Ginawa at inimbento ang bagong teknolohiya upang mapadali ang pakikipag-ugnayan ng bawat tao, kahit saang lupalop pa ito ng mundo. Napapadali nito ang paggalaw ng bawat tao, mapa-personal man o kahit sa negosyo. Ngunit sa kalakaran ngayon, maaaring may mga iba na inaabuso ang makabagong teknolohiya. Lalo na sa mga kabataan ngayon, imbis na nasa labas at naglalaro kasama ang mga kaibigan ay sa mga gadget na sila nakatuon.
Bigyang pansin natin ang mga nasa ating paligid. Simula sa mga bata na nasa loob lamang ng kanilang bahay, na tila nagtatago mula sa liwanag sa labas, naglalaro sa kanilang gadget sa halip na nasa ilalim ng tirik na araw na naglalaro. Noon, mga bata pa nga ang nag aayang mamasyal kasama ang mga magulang, pero ngayon ay mga magulang na ang nagpipilit lumabas para lamang mailayo ang kanilang mga anak sa mga gadgets. Pansinin rin natin ang mga kaibigang sabay sabay na lumalabas para magsaya pero ang kanilang nasa harapa'y ang kanilang mga gadgets. Paano mapapabuti ang samahan kung hinahayaan nating malunod ang ating sarili sa paggamit ng gadgets? Sa sitwasyon ngayon, tila kay hirap nang ibalik ang dating panahon na kung saan hindi pa nauuso ang mga gadgets.
Hindi naman masama ang paggamit ng gadgets, ngunit kailangan pa rin nating isaalang-alang ang importansya ng pakikitungo nang masaya at tama sa ating mga magulang sa ating kapwa. Alamin ang ating limitasyon sa paggamit ng mga gadgets, huwag nating hayaang malulong ang ating sarili sa gadgets na parang isang droga.
Reference:
https://brainly.ph/question/1899918
https://www.google.com.ph/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwif-4OrtefeAhVKL48KHRz-AYoQjRx6BAgBEAU&url=https%3A%2F%2Fgaameover.com%2Fbest-gaming-gadgets%2F&psig=AOvVaw1kxBGpl7BBuvz6Qmz15pnJ&ust=1542955994478223
Comments
Post a Comment