Ang pagdadalang tao ng isang babae ay maituturing na isang hamon at tinuturing rin itong regalo mula sa Panginoon. Napakahalagang bigyang halaga ang nasa sinapupunan ng isang ina sapagkat ang bawat buhay ng isang sanggol ay maituturing na kayamanan na maaari nating ipagmalaki sa hinaharap.
Taon-taon, sa buwan ng Nobyembre ay ating isinusulong ang buwan ng mga bata. Na kung saan, ang tema ngayong taon ay "Isulong:Tamang Pag-aaruga Para sa Lahat ng Bata". Napakahalagang tayo ay bigyang pansin at halaga ang mga bata. Karamihan na sa ngayon ay inaabuso, at hindi nakakatanggap ng tamang pag-aaruga mula sa mga magulang na siyang dahilan ng pagkabaya ng kanilang buhay tungo sa kanilang hinaharap. Bilang mga magulang, responsibilad ng ama't ina ang tamang pag-aaruga sa anak sa mabuti o maging sa pinakamasaklap na panahon. Magkatuwang na puwersa ng ama't ina ang kinakailangan upang mapalaki ng maayos ang kanilang anak. Kinakailangan ng sapat na oras at panahon para makasama at mapasaya ang kanilang anak. Dapat din na magsimula sa tahanan ang tamang edukasyon, asal at disiplina upang matuto ang mga bata na tahakin ang tamang daan para sa kanilang hinaharap.
Kung ang isang bata ay lalaking disiplinado at maprinsipyo, siya ay magiging inspirasyon at magiging marangal na ehemplo sa iba kaya napakalaking papel ang ginagampanan ng responsableng paggiging magulang. Nakabatay sa tamang pag-aaruga ang kaunlaran at kahihinatnan ng isang bansa.
Reference: https://brainly.ph/question/1863227
Comments
Post a Comment