Filipino: Wika ng Saliksik

      Sa paglipas ng panahon, karunungan ng tao'y umuusbong na't umuunlad. Kaakibat na nito ang paglago ng wika. Lalo na ang Wikang Filipino, may naidaragdag at mayroon ding nawawala na tila pinapalit na lamang ito sa wikang Ingles na hiram lamang. Nasaan ba ang pagkakakilanlan ng ating tunay na pagka-Pilipino? Kung ang wika natin ay unti-unti nang binabago.

     Sa pagiging moderno na ng Pilipinas, wika nating ginagisnan ay siyang lumalaon, kasabay naman ang pag-usbong ng wikang makabago. Pambansang wika ng Pilipinas tila'y hindi pa nakukuntento, dinagdagan pa ito ng mga 'di kanais-nais na naimbento tulad ng mga salitang conyo, jejemon, at bekimon. "Eow, muzta nah?" "Otw na ako" "Share mo lang?" at marami pang iba. Ilan sa mga ito ang mga salitang kalat na kalat na sa buong Pilipinas, na tila'y ito ay kanser ng lipunan. Hindi na maintindihan ng mga sinauna, dahil sa pagbabago nito't sobrang laki na. Ano nga ba ang nangyayari sa ating lipunan? Tila lahat ay gusto na ng mabilisan. Talo ka kapag ika'y wala sa uso. Ito ba ang sinasabi nilang pagbabago? Oo, pagbabagong 'di kaaya-aya, imbis na pagbabagong maitataguyod ang wika nating Filipinio.

     Ang wikang Filipino ay wika na ginagamit nating mga Pilipino. Ito'y napakahalaga sapagkat ginagamit natin ito sa pakikipag-usap. Naapakahalaga nito sapagkat ito ang ating sariling wika. Wikang ating kinagisnan aat wikang dapat nating ingatan at pahalagahan, nang sa gayon ay lalo pa nating mapalago ang makasaysayang wika nating mga Pilipino.

Comments

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Kaylungkot lang isipin na ang wikang atin ay parang binabalewala na ng ating mga kapwa Pilipino. Gaya ng sinabi mo ang wikang atin ay dapat ingatan at pahalagahan, sanay simulan mo ito sa iyong sarili

    ReplyDelete

Post a Comment